COVID-19 cases sa Mandaluyong City, lagpas 1,070 na
Lagpas na sa 1,070 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (July 8), 12 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa 1,078, 263 ang aktibong kaso.
147 ang itinuturing na probable cases habang 710 ang suspected cases kung saan 3,981 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng anim ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 747 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Nasa 68 pa ring residente ng Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.