Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, umabot na sa 404
By Mary Rose Cabrales July 08, 2020 - 07:27 PM
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.
Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Miyerkules, July 8), pumalo na sa 404 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan anim ang nadagdag.
Sa nasabing bilang, 120 na lamang ang active cases.
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 32.
Nasa 252 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit kung saan 17 ang bagong nadagdag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.