LRT-2 wala nang ticket sellers; maari na lang bumili ng ticket sa vending machines
Wala nang itatalagang ticket sellers sa Light Rail Transit-2 (LRT-2).
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), maaring mabili na lamang ang tickets gamit ang vending machines.
Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, dalawang linggo na itong ipinatutupad sa LRT-2.
Ang mga ticket sellers sa istasyon ay hindi naman aniya mawawalan ng trabaho.
Sa halip ay itinalaga naman sila para mag-assist sa mga pasahero sa pagbili ng ticket sa vending machines.
Ang mga first-time users ng vending machines ang kanilang tutulungan.
Ang mga single-journey ticket ay regular ding isinasailalim sa disinfection bago ibalik sa circulation ayon kay Cabrera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.