Mga ‘kasong pang-barangay’ lang dapat dagdagan ayon kay Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio July 08, 2020 - 12:38 PM

Nais ni Senator Imee Marcos na madagdagan ang mga kaso na sinasabing pang-barangay na maaring maplantsa naman ng Lupong Tagapamayapa.

Layon ng inihain ni Marcos na Senate Bill 1544 na bigyan kapangyarihan na rin ang Lupong Tagapamayapa na pumagitna at ayusin ang mga kasong qualified theft, estafa, malicious mischief, libel at maging ang pangangalunya o pagtataksil sa asawa.

Paliwanag ni Marcos sa ganitong paraan hindi na kailangan pang gumasta kapag umabot sa korte ang mga nabanggit na kaso.

Puna ng senadora sa ngayon sobrang limitado ang hurisdiksyon ng Katarungang Pambarangay at ang maari lang iharap na reklamo sa Lupon ay damage to property, slander, physical injuries, pagbabanta, pagnananakaw, trespassing, coercion, away-pamilya o away mag asawa, paniningil ng utang at hindi pagsunod sa kontrata.

Diin ni Marcos kapag nadagdagan ang mga kaso o reklamo na maaring iharap sa Lupon ng barangay, mababawasan naman ang mga kaso na aabot at lilitisin sa mga korte.

Nais din nito na makapaghain ng reklamo ang isang tao, na nakatira sa ibang lugar, sa barangay kung saan naman nakatira ang kanyang inirereklamo.

Ngayon maari lang pumagitna ang Lupon kung ang dalawang panig ay kapwa nakatira sa isang bayan o lungsod.

 

 

TAGS: barangay, barangay level, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, barangay, barangay level, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.