Kulang pa rin ang tubig sa dams

July 06, 2015 - 01:26 PM

angat-dam
Inquirer.net file photo

Sa kabila ng malakas na pag-ulan na nararanasan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, kulang pa rin ang suplay ng tubig sa halos lahat ng Dam sa bansa.

Ayon kay Pagasa Hydrologist Danny Flores, may mga dam pa nga na patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig gaya ng Magat Dam sa Isabela na ngayon ay nasa 176.37 meters mula sa 176.68 meter kahapon.

Mababa pa rin anya ang level ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan na nasa 169.33 meters lamang at malayong-malayo pa sa spilling level na 210 meters.

Ang La Mesa dam na malimit na nakaaapekto sa Tullahan river ay hindi pa rin naman umaapaw dahil nasa 79.06 meters pa lang ang tubig nito malayo pa sa 80.15 meters bago magsimulang umapaw.

Sinabi pa ni Flores na sa ngayon, walang Dam saanmang parte ng bansa ang nagpakawala ng tubig na naging dahilan ng pagbaha./ Erwin Aguilon

TAGS: Angat Dam, Pagasa, Radyo Inquirer, Angat Dam, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.