Gamot kontra COVID-19 maari ng maging available sa December
Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na may gamot na sa COVID-19 pagdating ng buwan ng Disyembre.
Ayon sa pangulo, gamot ito na papatay sa COVID-19.
Kung hindi man gamot, bakuna aniya ang maaring maging available sa merkado.
Ayon sa pangulo, mas gugustuhin niya ang magkaroon muna ng gamot at saka na lamang ang vaccine.
Dahil wala pang gamot o bakuna, sinabi ng pangulo na ito ang dahilan kung kaya hindi niya basta-basta palakawalan na lamang ang tao at luluwagan ang mga quarantine measures.
“Ang sabi ko nga I’m sorry but I cannot really kumbaga bitawan ko kayo, I will remove the leash — leash ‘yung tali. Pakawalaan na kayo kasi hindi ko kaya ang… The resultant happening or the resultant endgame there is too horrible to ponder. I cannot make a guess. Governance is not made of guesses. It has to be anchored on pure science. Kaya naman malapit na,” ayon sa pangulo.
Tiyak aniyang magiging ka gimbal-gimbal ang endgame kung pababayaan na lamang ang mga tao.
Sinabi pa ng pangulo na ang pamumuno sa pamahalaan ay hindi nakabase sa hula kundi sa siyensya kung kaya dapat na maging maingat sa pagdedesisyon kaugnay sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.