MRT-3 personnel na nagpositibo sa COVID-19 mahigit 200 na
Mahigit 200 na ang mga tauhan ng MRT-3 na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa abiso ng Department of Transportation apat pang depot personnel ng MRT-3 ang nagpositibo sa sakit kaya 202 na ngayon ang mga tauhan nilang infected ng COVID-19.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, sa 202 infected workers, 181 ay depot personnel, 15 ang ticket sellers, 3 ang train drivers, 2 ang naka-assign sa control center, at isa ang nurse.
Sa mga ticket seller na nagpositibo, walo ang naka-assign sa North Avenue Station, tatlo sa Araneta Center-Cubao Station, dalawa sa GMA-Kamuning Station, isa sa Quezon Avenue Station habang ang isa “reserve teller”.
Mayroon pang 339 na MRT-3 personnel ang naghihintay ng resulta ng kanilang swab tests.
Sa huling datos, 2,861 na mula sa 3,200 na MRT-3 employees ang naisailalim sa tests.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.