Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City 1,347 na
Nadagdagan pa ng 120 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.
Sa inilabas na update hanggang Martes ng gabi July 7), kabuuang 1,347 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay Bambang, Calzada, Central Signal, Fort Bonifacio, Hagonoy, Lower Bicutan, Pinagsama, San Miguel, South Signal, Sta Ana, Tanyag, Wawa at Western Bicutan.
Mayorya ng bagong kasong naitala ay sa Barangay Fort Bonifacio na nakapagtala ng 104 bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 378 ang kaso sa naturang barangay.
Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 41
– Bambang – 18
– Calzada – 35
– Hagonoy – 15
– Ibayo-Tipas – 30
– Ligid-Tipas – 22
– Lower Bicutan – 168
– New Lower Bicutan – 51
– Napindan – 8
– Palingon – 5
– San Miguel – 19
– Sta. Ana – 27
– Tuktukan – 20
– Ususan – 61
– Wawa – 16
– Central Bicutan – 24
– Central Signal – 22
– Katuparan – 10
– Maharlika Village – 17
– North Daang Hari – 50
– North Signal – 17
– Pinagsama – 70
– South Daang Hari – 45
– South Signal – 43
– Tanyag – 12
– Upper Bicutan – 46
– Western Bicutan – 77
Nasa 186 na mga pasyente na ang gumaling na sa lungsod habang 23 na ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.