Pilipinas nasa first wave pa lang ng COVID-19 ayon kay Pangulong Duterte
First wave pa rin ng COVID-19 ang nararanasan sa Pilipinas ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ng pangulo kasunod ng pagtaas ng mga naitatalang dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nagdaang mga araw.
Sa kaniyang televised public address, sinabi ng pangulo first wave ng COVID-19 ang patuloy na nilalabanan ngayon ng bansa at sa tingin niya ay hindi pa dumarating ang second wave.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso, una nang sinabi ng Department of Health na ang nararanasan ng bansa ay hindi second wave.
Tumaas umano ang positive cases dahil sa pagpapalawig sa testing.
Sa kabila ng pagtaas ng kaso, sinabi ni Pangulong Duterte na mas mababa naman ang bilang ng mga nasasawi sa Pilipinas kumpara sa iba pang mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.