Voters’ information campaign ng Comelec kulang pa ayon sa Malacañang

By Alvin Barcelona February 23, 2016 - 07:42 PM

SONNY-HERMINIO-COLOMA
Inquirer file photo

Pinayuhan ng Malacañang ang Commission on Elections (Comelec) na gumawa ng paraan mapawi ang pangamba ng mamamayan kontra sa posibleng pandaraya sa nalalapit na halalan.

Sa harap ito ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan lumalabas na 39-percent ng mga respondents ay nangangamba na magkaroon ng dayaan sa May polls.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, kailangang tukuyin kung saan galing ang mga pangamba ng taumbayan hinggil sa alegasyong maaaring magkaroon ng pandaraya sa halalan.

Dapat din aniyang pag-igtingin pa ang education campaign para maging ganap ang kaalaman at pang-unawa ng mamamayan hinggil sa automated voting system para tuluyang mapawi ang lahat ng alinlangan sa integridad ng nasabing sistema.

Tiniyak naman nito na kaisa ng Comelec ang pamahalaan sa layuning tiyakin ang isang maayos, mapayapa at malinis na halalan sa May 9.

TAGS: 2016 elections, Coloma, comelec, Malacañang, 2016 elections, Coloma, comelec, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.