CNN Philippines, pansamantalang mag-off air matapos makapagtala ng kaso ng COVID-19
Pansamantalang mag-o-off air ang CNN Philippines simula Martes ng gabi, July 7.
Batay sa anunsiyo, ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang utility staff sa TV network.
Magsasagawa ng disinfection sa CNN Philippines office sa bahagi ng Mandaluyong City.
Tiniyak naman ng CNN Philippines na patuloy pa rin silang maghahatid ng balita sa pamamagitan ng kanilang website, social media platforms at Viber.
“We have prepared for this emergency. Many of our colleagues have been isolated and are working from home,” ayon pa sa TV network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.