17 pang Filipino sa abroad, gumaling sa COVID-19 – DFA
Nasa 17 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 7, umakyat na sa 5,218 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Nasa 8,688 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 62 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,893 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Samantala, nanatili naman sa 577 ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,305 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 1,016 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 697 naman ang kaso sa Americas at 670 sa Asia Pacific Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.