LOOK: Piper plane nag-emergency landing sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo July 07, 2020 - 12:07 PM

Isang six-seater Piper Seneca ang nag-emergency landing sa Zamboanga City.

Bumagsak ang Piper PA-34 Seneca private plane sa baybaying dagat ng Barangay Sinunuc.

Ayon sa ulat ng Inquirer Mindanao, ligtas naman ang apat na sakay ng eroplano matapos mabilis na makaresponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Lulan ng nasabing eroplano ang tatlong dayuhan at isang Pinoy.

Agad dinala sa CAAP Office sa Zamboanga City ang Indian na piloto ng eroplano at ang mga sakay nito na isang Pinoy, Indian at Nepali na pawang maayos naman ang kondisyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang private plane ay umalis ng Zamboanga Airport at patungo sana ng Dumaguete City dakong alas 9:30 ng umaga ng Martes (July 7).

Ayon sa dayuhang piloto, nakaranas sila ng engine failure ilang minuto matapos ang take off.

 

 

TAGS: Emergency landing, Inquirer News, News in the Philippines, piper seneca, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga City, Emergency landing, Inquirer News, News in the Philippines, piper seneca, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.