Mga apektado ng oil spill sa Iloilo, dapat bayaran

By Erwin Aguilon July 07, 2020 - 11:14 AM

Iginiit ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na kailangang bayaran ng may-ari ng power barge na sumabog at nagdulot ng oil spill sa karagatan ng Iloilo City ang mga residente sa lugar na nawalan ng kabuhayan dahil sa insidente.

Ayon kay Defensor na dating DENR secretary, dapat sagutin rin ng AC Energy Corp., ang operator ng power barge ang gastos sa paglilinis ng tumagas na langis.

Sabi ng kongresista, sa ilalim ng Oil Pollution Compensation Law of 2007, mahigpit ang pananagutang ipinapataw sa oil pollution damage.

Ginagarantiyahan rin anya nito ang sapat na kabayaran para sa mga naapektuhan lalo na iyong mga nakadepende sa pangingisda at seashell harvesting ang kabuhayan.

Gayundin ang pagsagot sa posibleng epekto sa kalusugan ng mga tao resulta ng insidente, at ang rehabilitasyon ng coastal ecosystem na nasira ng oil spill.

Sabi ni Defensor, bukod pa dito ang anumang multa na ipapataw ng Pollution Adjudication Board sa AC Energy para sa paglabag sa Clean Water Act of 2004.

 

 

TAGS: AC Energy Corp, Clean Water Act of 2004, iloilo city, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, AC Energy Corp, Clean Water Act of 2004, iloilo city, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.