Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo July 07, 2020 - 05:46 AM

Matapos ang siyam na linggong magkakasunod na dagdag sa presyo ng produktong petrolyo, nagpatupad naman ng rollback ngayong araw ang mga kumpanya ng langis.

Bawas na 65 centavos ang ipinatupad sa kada litro ng gasolina at 40 centavos ang bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Epektibo ang rollback ng mga kumpanyang Shell, Petron, Flying V, SeaOil, PTT, Phoenix Petroleum at Petro Gazz alas 6:00 ng umaga ngayong Martes (July 7).

Habang alas 12:01 ng madaling araw kanina naging epektibo ang rollback ng kumpanyang Chevron.

Alas 8:01 naman ng umaga ang rollback ng Clean Fuel.

 

 

TAGS: BUsiness, gasoline, Inquirer News, kerosene, News in the Philippines, oil price, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, gasoline, Inquirer News, kerosene, News in the Philippines, oil price, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.