Isang QC Fiscal dinismis ng Ombudsman dahil sa bribery
Pinag-utos ng Office of Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo sa assistant city prosecutor ng Quezon City dahil sa kasong bribery.
Sa desisyong inilabas ng Ombudsman napatunayang guilty sa kasong grave misconduct si Quezon City Assistant Prosecutor Edgar Navales.
Nag-ugat ang kaso laban kay Navales nang umanoy hingan nito ng mahigit 100-libong piso ang isang Reynaldo De Leon na complainant sa hawak nitong kasong carnapping noong 2014.
Ayon sa Ombudsman, mismong ang prosecutor ang tumanggap ng nabanggit na halaga na idinaan sa kunwari ay pagbebenta ng raffle ticket para sa isang simbahan.
Bukod sa cancellation ng kanyang civil service eligibility at pinagbabawalang humawak ng pwesto sa gobyerno, ang naturang hukom.
Iaakyat na rin ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong direct bribery na ihahain laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.