Red Cross naglunsad ng programa para sa COVID-19 test sa mga mahihirap
Inilunsad ng Philippine Red Cross ang COVID Samaritan Program para ma-test ang mga mahihirap at walang kakayahan na magbayad para sa kanilang COVID 19 testing.
Sinabi ni Sen. Richard Gordon, na siura rin namumuno sa PRC, kailangan paigtingin ang testing para mapagtagumpayan na ang pakikipaglaban sa COVID 19.
Tiwala ang senador na sa pamamagitan ng bagong programa ng PRC ay makakatulong ng malaki sa ‘war against COVID 19.’
“Kailangan ma-test ang mga tao para manalo tayo laban sa COVID. This way, carriers can be separated from those who are not infected and they can be cured. At maaari na ring makabalik sa trabaho kapag na-test. Kaya sinimulan namin ang programang ito para pati ‘yung mga hindi kayang magbayad, maaaring makapagpa-test,” aniya.
Ibinahagi nito na ang Automobile Association of the Philippines, sa pamamagitan ni Jose Armando Eduque, ay nagbigay na ng halos P2.8-million para sa programa.
Aniya kalahati din ng donasyon ng Reckitt Benckiser Healthcare Philippines, Inc. (Lysol Philippines) sa PRC noong Mayo ay inilaan na sa COVID 19 Samaritan program.
“We cannot be a nation unless we help those who are deprived but are willing to fight. Those who want to give to the poor so they can be tested can donate funds,” sabi ng senador.
Ang mga donasyon para sa CPVID Samaritan program ay maaring ideposito na mga sumusunod na bank accounts:
Banco De Oro
Account name: Philippine Red Cross
Peso account: 00-4530190938
Dollar account: 10-453-0039482
Swift code: BNORPHMM
Metrobank
Account name: Philippine Red Cross
Peso account: 151-7-15152434-2
Dollar account: 151-2-15100218-2
Swift code: MBTCPHMM
Landbank of the Philippines
Account name: Philippine Red Cross
Account number: 0561-095817
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.