PNP chief Gamboa pinasisibak na ang 2 pulis sa Ilocos Sur na sangkot umano sa pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita

By Dona Dominguez-Cargullo July 06, 2020 - 11:13 AM

Pinasisibak ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Francisco Gamboa ang dalawang pulis sa Ilocos Sur na sangkot umano sa pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita.

Inatasan ni Gamboa ang Internal Affairs Service ng PNP para agad sibakin sina Police Staff Randy Ramos at Marawi Torda.

Sina Ramos at Torda ay ipinagharap na ng reklamong murder matapos ang pagkasawi ng isang 15-anyos na dalagita.

Ang biktima ay unang nagsampa ng reklamong cts of lasciviousness laban kay Torda.

Si Ramos naman ay inaakusahan ding nanggahasa sa 18 anyos na pinsan ng biktima.

Sinabi ni Gamboa na batay sa imbestigasyon, malakas ang ebidensya na sangkot sa krimen ang dalawang pulis.

 

 

TAGS: archie gamboa, Inquirer News, Marawi Torda, News in the Philippines, PNP chief, Radyo Inquirer, Randy Ramos, Tagalog breaking news, tagalog news website, archie gamboa, Inquirer News, Marawi Torda, News in the Philippines, PNP chief, Radyo Inquirer, Randy Ramos, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.