Presyo ng gasolina at kerosene bababa ngayong linggo

By Dona Dominguez-Cargullo July 06, 2020 - 10:39 AM

Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad nilang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng kumpanyang Shell, bababa ng 65 centavos ang halaga ng kada litro ng gasolina at 40 centavos ang bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng diesel.

Ganito rin ang halaga ng price rollback ng Petro Gazz sa kanilang gasolina.

Epektibo ang bawas presyo ng Shell at Petro Gazz bukas, alas 6:00 ng umaga.

Ito ang unang rollback sa presyo ng produktong petrolyo matapos ang siyam na magkakasunod na linggong oil price hike.

 

 

TAGS: BUsiness, gasoline, Inquirer News, kerosene, News in the Philippines, oil price, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, gasoline, Inquirer News, kerosene, News in the Philippines, oil price, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.