DOH, pinag-iingat ang mga residente sa paligid ng Bulkang Bulusan
Pinag-iingat ng Department of Health o DOH ang mga residente sa paligid ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon matapos magbuga ng abo ang naturang bulkan kahapon.
Babala ni Dr. Lyndon Lee Suy, taga pagsalita ng DOH, mapanganib para sa mga mahihina ang baga o may sakit sa baga ang abo na nagmumula sa bulkan dahil nagtataglay ito ng sulfur.
Payo ni Lee Suy sa mga residente lalo na ang malapit sa nasabing lugar, gumamit ng bimpo upang maiwasang makalanghap ng abo, at magtungo sa pinakamalapit na health center sa oras na makaramdam ng paninikip ng dibdib.
Kahapon, nairekord ang dalawang beses na Preatic Erruption ang bulkang Bulusan o yung pagbuga ng bulkan ngunit walang inilabas na magma.
Gayunman, sa volcanic activity ay naapektuhan ng ash fall ang mga bayan ng Irosin at Juban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.