Mga tutol sa anti-terror law maiingay na minority lang ayon kay Sec. Panelo

By Chona Yu July 06, 2020 - 08:57 AM

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Tinawag na maiingay na minority ng lipunan ni Chief Presdiential Legal Counsel Salvador Panelo ang mga tutol sa anti-terror law.

Ayon kay Panelo, wala sa karakter ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpasindak sa external forces.

Sinabi pa ni Panelo na walang ibang layunin si Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang pangalagaan ang kapakanan ng taong bayan.

Tiniyak pa ni Panelo na may nakalatag na sapat na safeguards ang bagong batas para masiguro na hindi maabuso ninuman.

Una rito, dumulog na sa Korte Suprema ang grupo nina Atty. Howard Calleja para kwestyunin ang legalidad ng bagong batas.

Partikular na kinukwestyun ng grupo ang section 29 na nagsasaad ng “Detention without judicial warrant of arrest kung saan maaring arestuhin ng anti terror council ang sinumang pinaghihinalaang terorista.

 

 

TAGS: anti-terror law, Salvador Panelo, anti-terror law, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.