Deklarasyon ng “tagumpay” ng gobyerno sa UP projection sa COVID-19 masyadong maaga – Dr. Leachon

By Dona Dominguez-Cargullo July 06, 2020 - 08:00 AM

Masyadong napaaga ang deklarasyon ng “tagumpay” ng gobyerno sa projection ng University of the Philippines (UP).

Ayon kay Health Expert Dr Anthony Leachon, nagdeklara ng tagumpay si Presidential Spokesperson Harry Roque sa UP projection sa COVID-19 gayong mayroon pang backlog sa datos ng Department of Health (DOH).

Dapat din aniyang maging maingat ang gobyerno sa mga deklarasyon nito, dahil ang mga sinasabi o inihahayag ng pamahalaan ay maaring makaapekto sa “behavior” ng publiko.

Ani Leachon, maaring nung nagdeklara ng “tagumpay” si Roque ay nagpakakampante na ang publiko dahil inakala nilang nananalo na ang bansa kontra COVID-19.

Hindi aniya dapat nagdedeklara ng panalo ang gobyerno lalo pa at hindi pa nga bumababa ang kaso at hindi pa nagkakaroon ng “flattening of the curve”.

 

 

TAGS: anthony leachon, covid pandemic, COVID-19, department of health, doh, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, UP projections, anthony leachon, covid pandemic, COVID-19, department of health, doh, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, UP projections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.