Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, umabot na sa 389
Nagpositibo ang walo pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 5, umakyat na sa 389 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
228 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Ang mga bagong kaso ay locally stranded individuals.
Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Dahil dito, nanatili sa 150 ang total recoveries sa Western Visayas.
Nananatili rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.