2 tulak ng droga arestado sa NBP Compound

By Ricky Brozas February 23, 2016 - 12:27 PM

pdeaArestado ang dalawang tulak ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) matapos ikasa ang drug buy bust operation ng National Capital Region ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Tinukoy ni PDEA Director Arturo Cacdac Jr ang dalawa na sina Mateo Marquez, 53 anyos may asawa ng 9-V Malabanan St, Barangay 3 Lipa City Batangas, Arlene Cardeño, “Alyas Baby” 33 anyos dalaga, ng Phase 1 Blk 37 Lot 28 Southville 3 Muntinlupa City.

Batay sa report ni PDEA Inteliegence Officer 3 Cham D. Sulit , naaresto ang dalawa sa loob ng open field malapit sa maximum security compound ng New Bilibid Prison at nakuha sa kanilang may 50 gramo ng shabu na may street value na P.70,000 at buy bust money na P 70,000.

Ayon kay Sulit, posible ang droga nakuha nila sa dalawang suspek ay posible umanong galing sa loob ng maximum security compound.

Matatandaan na maka ilang beses ng isinagawa ang oplan galugad ng pamunuan ng NBP kabilang ang maximum security compound at marami narin droga ang nakuha.

Ayon kay Sulit, posible may kumikos pa sa loob na mga sindikato ng droga naka kulong sa loob NBP at kontak ang dalawang suspek naaresto na siya naman taga benta nila sa labas ng droga.

Kasong paglabag ng Section 5 Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

TAGS: Dalawang tulak ng droga, National Bilibid Prison, PDEA-NCR, Dalawang tulak ng droga, National Bilibid Prison, PDEA-NCR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.