Mga mambabatas nanawagan sa DICT na unahin na ang pagtatayo ng cellsites sa mga liblib na lugar
Kapwa umapela sina Ang Probinsyano Partylist Rep Ronnie Ong at Rizal Rep. Fidel Nograles sa Department of Information and Communication Technology(DITC) na paspasan ang paglalagay ng cell sites sa mga liblib na lugar na hanggang ngayon ay wala pa ring internet connectivity sa harap na rin ng bagong sistema na online learnning at work from home sa panahon ng pandemic.
Ayon kay Ong bukod sa Build Build Build Program ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapatayo ng mga tulay at mga kalsada ay dapat mamuhunan at tutukan din ang communication infrastucture.
“We really need good internet signal specially during the time when the new normal is really using technology to work and also learn from home.Government need to invest in technology infrastructure and not just roads and bridges. Kailangan ibundle na talaga ito”pahayag ni Ong.
Ayon naman kay Nograles, maaaring pondohan ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga cellular tower na maaaring ipaupa naman sa mga telecom companies, sa ganitong paraan umano ay mapapabilis ang paglalagay ng mga kinakailangang cell sites na agad nang mapapakinabangan ng publiko.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamababang cell site density, sa datos ng TowerXchange, isang informal network ng mga advisors sa market tower industry sa buong mundo, ang user-per-cell site density sa Pilipinas ay 4,036, ito ay base sa 18,000 total cell sites para sa 67 million internet users, malayong malayo ito sa kalapit na bansang India na 312 lamang ang user-per-site density dahil sa may 1.5M na cell sites; ang Indonesia ay may 91,700 cell sites para sa kanilang132M internet user o user-per-site density na 1,446 habang ang China ay may 1.95 million cell sites para sa 751 million internet users o may user-per-site density na 384 samantala ang Vietnam ay may 70,000 cell sites para sa 64 million internet users o user-per-site density na 914.
Sa Cotabato City sa Mindanao halimbawa na may 246,700 Globe active customers ay naghahati hati lamang sa 13 cell sites kaya hirap sa signal habang sa ibang mga malalayong lugar ay hindi pa abot ng internet connection.
Aminado ang mga telecom companies na isa sa balakid kung bakit natatagalan ang paglalagay ng mga cellular tower ay dahil na rin sa 25 ibat ibang permits na kailangang isumite na karaniwang inaabot ng 8 buwan pataas bago makumpleto , bukod pa umano dito ang iba pang requirements na itinatakda ng ilang Local Government Units(LGUs), exclusive subdivisions at
Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).
Samantala aminado naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang maraming requirements ang nagpapabagal sa pagpapatayo ng cell sites kaya naman plano nilang bawasan ng 50% ang “redundant or duplicitous permitting” sa konstruksyon ng telco towers.
Sinabi ni DICT Assistant Secretary Emmanuel Caintic na nakikipagugnayan na sila sa Anti-Red Tape Authority at iba pang government agencies para ma-streamlined ang permitting requirements at procedures.
Layon din ng gagawing mas maagan na construction requierements na palakasin ang common tower program ng DICT, sa ilalim ng programa ay papayagan ang
independent tower companies na magtayo ng kanilang sariling sites na sya namang ipapaupa sa mga telco operators gaya ng PLDT Inc at Globe Telecom.
Noong wala pang common tower program ang DICT ay ang mga telco companies lamang ang syang pinapayagan na magtayo ng cell sites kaya naman kalimitang nakakaligtaan ang mga liblib na lugar at nakasentro lamang ang mga cell sites sa mga urban areas kung saan may mataas na user demand.
Nasa 50,000 towers ang kailangan para mapalakas ang mobile connectivity sa buong bansa, una nang sinabi ng telco companies na aabutin ng 10 taon bago ito mapatupad subalit sa oras na buksan ng DICT sa independent player ang pagpapatayo ng cell tower ay inaasahang sa loob lamang ng 3 hanggang 5 taon ay mapapalakas na ang internet connection sa bansa partikular sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ang guidelines para sa common tower policy ay nakatakdang ipalabas ng DICT sa susunud na buwan.
Sa ngayon ang US-based company na American Tower Corp.,isang global operator ang nagpahayag ng intensyon na maginvest sa pagpapatayo ng cellular tower sa Pilipinas subalit sinabi ng DICT na bukas din ang programa sa iba pang mga tower operators.
Positibo naman ang DICT na sa oras na madagdagan ang mga cell sites ay bubuti na ang internet connection at mapapababa pa ang singil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.