Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City 465 na
Dalawampu’t lima pang bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa Muntinlupa City
Nasa 465 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang alas 6:00 Biyernes ng gabi (July 3), sa nasabing bilang ay 131 ang aktibong kaso.
354 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 141 ang suspected cases.
Samantala, 295 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 39 naman ang nasawi.
Pinakamaraming kaso ay sa Brgy. Putatan na umabot na sa 125.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.