Walang ibang masaya sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 pandemic kundi ang Manila Electric Company o Meralco.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera, kung hindi mareresolba ang mga reklamo tiba-tiba sa kita ang Meralco mula sa sobrang singil sa customers sa panahon ng lockdown.
“As majority of businesses are taking a heavy beating, Meralco is emerging as a big winner from the coronavirus pandemic,” saad ni Herrera.
Nakalulungkot lang anya na nagawa pang pagsamantalahan ng kumpanya ang consumers na labis nang naapektuhan ng public health crisis.
“But unfortunately, this is at the expense of its numerous consumers who felt they were overcharged for their power consumption during the lockdown and taken advantaged by Meralco as they experience the worst public health crisis of this generation,” dagdag pa niya.
Kaya naman pakiusap ni Herrera sa Energy Regulatory Commission (ERC), kampihan naman ang consumers at utusan ang Meralco na tugunan ang mga reklamo sa napakataas na bayarin sa kuryente.
Ayon sa kongresista, hanggang ngayon ay marami pa rin ang dumadaing sa kanilang electricity bills lalo’t pinoproblema ng mga ito ang pambayad kahit pa gawing utay-utay.
Ikinaalarma rin ng kongresista ang paggiit ng Meralco na tama ang kanilang meter readings at ang pagtaas ng bayarin ay dahil sa actual consumption na ang ibig sabihin ay wala nang mangyayari sa mga reklamo.
“With this kind of statement, Meralco is practically laying the basis for the outright dismissal of these consumer complaints. The ERC should not let the complaints go unsolved, especially if these are valid,” dagdag pa ng kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.