Mahigit 400 na beneficiaries tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa Red Cross
Napagkalooban ng tulong-pinansyal ng Philippine Red Cross (PRC) ang mahigit 400 identified beneficiaries nito sa Maynila.
Ang 204 na benepisyaryo ay pawang residente mula sa Brgy. 91 habang 234 naman mula sa Tondo.
Isinailalim sa assessment ang mga beneficiaries at pinili ang pinaka-vulnerable.
Bawat benepisyaryo ay binigyan ng P3,500 na tulong pinansyal.
Ayon kay Red Cross Chairman at Sen. Richard Gordon, susuyurin ang iba pang mga lugar para matiyak na mabibigyan din ng tulong-pinansyal ang mga higit na nangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.