DA itinuloy ang bidding sa ikalawang batch ng suplay contracts para sa Urea Fertilizer sa kabila ng mga protesta

July 03, 2020 - 02:38 PM

Sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta ng grupo ng mga magsasaka kaugnay sa overpriced fertilizer contract, itinuloy pa rin ng Department of Agriculture (DA) ang bidding sa susunod na batch ng supply contracts pata sa Urea fertilizer.

Dismayado ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa desisyon ng
DA na gamitin muli ang kaparehong modus ng ipa bid ang naunang apat na supply contracts nitong Mayo.

Ayon kay Rosendo So, chairman ng SINAG, nag-‘tengang kawali’ ang DA sa payo ng House of Representatives at Senado na maging maingat sa pagsasagawa ng panibagong bidding sa pagbili ng Urea fertilizer.

Inihalimbawa ng SINAG ang Universal Harvester Inc. na nanalo ng kontrata sa Region 2.

Iginawad ang kontrata sa P975 kada bag gayong nabibili ang naturang abono sa P850 hanggang P860 kada bag lamang.

Sa inilaan na 797,089 bags ng Urea fertilizer para sa Region 1 at 614,233 bags para sa Region 2 o kabuuang 1,411,322 bag, aabot sa P176.41 million ang overpriced na maari pa sanang magamit para makabili ng ibang
farm inputs.

Ang pondo para sa supply contracts ay kinuha mula sa stimulus program Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19 o ALPAS sa COVID-19)

Iginiit na dati ng Makabayan bloc sa Kamara na dapat tinigil pansamantala ang bidding sa pagbili ng dagdag P3.8 bllion na halaga ng fertilizer hanggat hindi nalilinaw ang naunang kwestyunableng bidding.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, DA, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sinag, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, urea fertilizer, covid pandemic, COVID-19, DA, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sinag, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, urea fertilizer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.