Walang mali sa side trip ni Roque sa Subic – DILG
Walang nakikitang mali ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang mag-side trip ito isang theme park sa Subic.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, “authorized” ang biyahe ni Roque dahil mayroon itong “business interest” sa Bataan .
Si Roque ay mayroong agricultural business sa lalawigan.
Sinabi pa ni Malaya na ang Subic ay nasa ilalim na ngayon ng modified general community quarantine (MGCQ) kung saan pinapayagan nang magbukas sa limitadong kapasidad ang mga tourist facility.
Dagdag pa ni Malaya si Roque ay isang APOR o authorized person outside of residence.
Ang mga larawan ni Roque habang nasa Ocean Adventure ay kumalat matapos ibahagi sa Facebook page.
Inalis naman ito agad sa Facebook pero marami nang netizen ang nakapag-grab nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.