Coast Guard kakasuhan ang MV Vienna Wood na nakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Mindoro
Natakdang magsampa ng kaso sa korte sa Mamburao ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa MV Vienna Wood na nakabangga sa sinasakyang fishing boat ng mga mangingisda sa Occidental Mindoro.
Ito ay makaraang makapangalap ng sapat na ebidensya ang PCG mula sa lugar na pinangyarihan ng insidente at sa mga sinumpaang pahayag ng mga rumespondeng marino at mangingisda.
Ngayon araw (July 3), nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng PCG at iba pang katuwang na ahensya para mahanap ang mga nawawalang mangingisda, at pasahero ng F/V Liberty 5.
Nagpasalamat naman si PCG Commandant, Vice Admiral George V. Ursabia Jr. sa PCG Auxiliary Executive Squadron sa pagpapahatid ng tulong pinansiyal sa pamilya ng mga biktima.
Hiling ni Ursabia sa pamilya ng mga biktima, tanggapin ang pansamantalang tulong habang nagpapatuloy ang mga inisiyatibo para mabigyang hustisya ang naganap sa kanilang mga kaanak dahil sa aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.