Embahada ng Pilipinas Kuwait pansamantalang isinara; 1 empleyado nagpositibo sa COVID-19
Isang empleyado ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, pansamantalang isinara muna ang embahada at wala munang tatanggapin na on-site na serbisyo.
Tatagal ang pagsasara sa loob ng dalawang linggo o hanggang sa July 16.
Kung mayroong naka-schedule na appointment mula July 2 hanggang 16 ay pinapayuhang hintayin ang tawag o mensahe mula sa embahada para sa re-scheduling.
Maari pa ring makipag-ugnayan sa embahada sa pamamagitan ng Facebook Page, Twitter Account, at hotline numbers.
Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.