Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City, 937 na
Nadagdagan pa ng 33 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.
Sa inilabas na update hanggang Huwebes ng gabi (July 2), kabuuang 937 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay Bagumbayan, Calzada, Central Bicutan, Fort Bonifacio, Hagonoy, Lower Bicutan, South Daang Hari, Sta Ana, Tanyag at Western Bicutan.
Pinakaraming naitalang kaso ng sakit sa bahagi ng Barangay – Lower Bicutan na may 129 cases.
Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 40
– Bambang – 16
– Calzada – 33
– Hagonoy – 13
– Ibayo-Tipas – 30
– Ligid-Tipas – 22
– New Lower Bicutan – 43
– Napindan – 5
– Palingon – 3
– San Miguel – 17
– Sta. Ana – 24
– Tuktukan – 19
– Ususan – 50
– Wawa – 15
– Central Bicutan – 23
– Central Signal – 18
– Fort Bonifacio – 102
– Katuparan – 9
– Maharlika Village – 17
– North Daang Hari – 45
– North Signal – 16
– Pinagsama – 56
– South Daang Hari – 42
– South Signal – 29
– Tanyag – 11
– Upper Bicutan – 43
– Western Bicutan – 67
Nasa 162 na mga pasyente na ang gumaling na sa lungsod habang 22 na ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.