Manager, 8 pa huli sa paglabag sa physical distancing

By Jan Escosio July 02, 2020 - 10:48 PM

Inaresto ng mga operatiba ng PNP – CIDG ang isang bar manager at walong iba pa sa loob ng isang restobar sa Caloocan City dahil sa pagsusugal at paglabag sa physical distancing protocol.

Kinilala ang mga inaresto na sina Maricel Elijedo, ang bar manager ng Queencel Restobar and Grill sa Barangay 106; Christopher Ramos, Vicson Lamadrid, Reinerio Kuizon, Arman Mariano, Delfin Pasia, Arnold Palicpic, Mario Ramos at Paulino Aler, isang dating barangay kagawad.

Diumano sangkot sa pustahan sa bilyar ang mga nahuli.

Mahaharap sila sa mga kasong illegal gambling, paglabag sa Bayanihan Act at ordinansa na nagpapatupad ng physical distancing.

Ikinasa ang operasyon base sa sumbong ng isang Rosa Benitez kay Sec. Karlo Nograles, co-chairperson ng Inter-Agency Task Force, hinggil sa paglabag ng mga health and safety protocols ng mga kustomer ng bar.

TAGS: Inquirer News, physical distancing violation, PNP-CIDG, Queencel Restobar and Grill, Radyo Inquirer news, Inquirer News, physical distancing violation, PNP-CIDG, Queencel Restobar and Grill, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.