Sapat na sahod at PPEs para sa mga bagong COVID frontliner, pinasisiguro sa DOH

By Erwin Aguilon July 02, 2020 - 08:24 AM

Pinatitiyak ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong sa Department Health (DOH) na mabibigyan ng sapat na sahod at kinakailangang personal protective equipment ang mga bagong medical graduates sa Central Visayas bago isabak ang mga ito sa laban kontra COVID-19 pandemic sa rehiyon lalo na sa Cebu City.

Ayon kay Ong, bagaman baguhan ang mga ito sa field, hindi naman dapat na maging iba ang trato sa kanila lalo’t magiging parte na sila ng medical frontliners na ia-alay ang kanilang buhay para maserbisyuhan ang mga kababayan.

Pakiusap ng kongresista sa DOH, huwag baratin ang mga ito na bibigyan lang ng P500 kada araw na sahod kundi ipareha sa natatanggap ng kanilang regular counterparts.

Iginiit nito na hindi dapat magtipid ang DOH pagdating sa kapakanan ng medical frontliners lalo’t hindi pangkaraniwanag panahon ngayon at kapos sa mga tao.

Dapat rin anyang siguruhin ng ahensya ang sapat na PPEs para sa mga bagong nurse, medical technologists at iba pang hospital supports personnel para hindi masira ang recruitment program ng gobyerno.

 

TAGS: Central Visayas, covid pandemic, COVID-19, department of health, doh, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PPE, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Central Visayas, covid pandemic, COVID-19, department of health, doh, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PPE, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.