Walo pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas
Nagpositibo ang walo pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 1, umakyat na sa 332 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
182 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Pito naman ang bagong gumaling sa Western Visayas.
Dahil dito, umakyat na sa 139 ang total recoveries sa Western Visayas.
Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.