Nasa 431 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:50, Miyerkules ng gabi (July 1), sa nasabing bilang ay 106 ang aktibong kaso.
373 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 145 ang suspected cases.
Samantala, 287 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 38 naman ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.