Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, 754 na
By Angellic Jordan July 01, 2020 - 08:09 PM
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (July 1), 754 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
677 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,162 ang suspected cases.
Umabot naman sa 357 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.