Security guard na nagpa-check up sa ER ng East Avenue Medical Center, nang-hostage ng isang doktor

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2020 - 12:27 PM

Isang doktor ang hinostage ng security guard sa loob ng emergency room ng East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) nagtungo sa ER ng ospital matapos maaksidente sa motorsiklo.

Bigla na lamang umano nitong inagaw ang syringe sa doktor at hinostage ito.

Nangyari ang insidente alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules, July 1.

Wala naman umanong demand ang suspek.

Matapos ang negosasyon ay pinalaya din ng suspek ang biktima.

Dinakip naman ng mga tauhan ng QCPD CIDU ang suspek at dinala ito sa Camp Karingal.

 

 

TAGS: East Avenue Medical Center, hostage taking, Inquirer News, News in the Philippines, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, East Avenue Medical Center, hostage taking, Inquirer News, News in the Philippines, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.