Dalawang lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kagabi.
Unang naitala ang magnitude 4.4 na lindol may 17 kilometro ang layo sa kanlurang bahagi ng Calatagan, Batangas, dakong alas 9:38 ng gabi.
Sa update ng Phivolcs, naramdaman ang intensity III na lindol sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at intensity I sa Calatagan.
Dakong alas 12:04 ng madaling-araw, naitala naman ang magnitude 3.1 na lindol sa karagatang sakop ng Daet, Camarines, Norte.
Namataan ang episentro ng lindol sa layong 103 kilometro sa silangang bahagi ng ng Daet.
Wala namang naitalang pinsala sanhi ng dalawang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.