PAGCOR may babala sa online gaming sa Facebook

By Jan Escosio July 01, 2020 - 08:17 AM

Nakipag-ugnayan na ang PAGCOR sa pamunuan ng Facebook kaugnay sa naglipanang mga ilegal na sugal sa social networking site.

Sa inilabas na pahayag ng PAGCOR, may nag-oorganisa sa Facebook ng ilang ilegal na sugal, partikular na ang Bingo.

Kayat babala ng ahensiya sa mga netizens na huwag patulan ang paanyaya na magsugal sa Facebook lalo na ngayon marami ang online para magpalipas ng oras.

Nabatid na sa naturang modus, kapag kumagat ang netizen sa imbitasyon ay hihingian siya ng personal financial details at maari siya ay mabiktima na ng scam, identity theft, at credit card fraud.

Dagdag paalala pa ng PAGCOR ang pagtaya sa mga online illegal gambling ay labag sa batas dahil walang organisasyon sa bansa na maaring magpa-sugal maliban na lang sa mga lisensiyado ng ahensiya.

 

 

TAGS: bingo, facebook, illegal gambling, Inquirer News, News in the Philippines, online gaming, pagcor, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, bingo, facebook, illegal gambling, Inquirer News, News in the Philippines, online gaming, pagcor, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.