2 patay sa sunog sa Fairview, isa pang sunog sumiklab sa Muntinlupa

By Kathleen Betina Aenlle February 23, 2016 - 04:29 AM

 

fire-defaultPatay ang dalawang katao sa sunog sa Camaro St. sa West Fairview, Quezon City.

Natagpuang patay ng mga otoridad ang mga biktima na sina Dorothea Guiang, 58-anyos at Niña Santillan, 34-anyos sa loob ng tahanan ng isang Rodante Santillan.

Ayon sa imbestigasyon, nagmula ang sunog sa bahay ni Rodante dahil sa napabayaan nitong niluluto na kaninng-baboy.

Sumiklab ang sunog dakong alas-4 ng hapon ng Lunes, at inabot pa ng mahigit apat na oras bago ito tuluyang naapula ng 8:41 ng gabi.

Aabot umano sa kalahating milyong piso ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

Samantala, isang sunog rin ang naitala sa Soldier Hills, Brgy. Pututan sa Muntinlupa City, dakong alas-10 ng gabi.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, pero under control na ito ganap na 12:05 ng madaling araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.