Mental health, dapat ding pangalagaan – Sen. Go

By Jan Escosio June 30, 2020 - 08:52 PM

Umaapela si Senator Christopher Go sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na paigtingin pa ang pagbibigay ng psycho-social assistance sa mga nakakaranas ng anxiety, depression at iba pang mental health issues.

“In this time of pandemic, we should also ensure that mental health is valued, promoted and protected. Aside from physical health, ‘yung mental health, napaka-importante rin po,” ayon sa senador.

Sinabi nito na dahil sa pandemiya dulot ng COVID 19, marami na sa mga Filipino ang naapektuhan na rin ang pag-iisip.

Aniya, ang social distancing at self-isolation ay maaaring magdulot ng kalungkutan at takot sa mga tao na maari namang maging ugat ng anxiety at stress.

“Marami pong nade-depress dahil sa sitwasyon ngayon. In fact, nakakalungkot ang mga OFWs natin, napakatagal na napalayo sa kanilang pamilya. Alam ninyo, hindi nababayaran ‘yung lungkot. Napakahirap mapalayo sa pamilya,” diin ng namumuno sa Health Committee ng Senado.

Una nang sinabi ni Social Welfare Secretary Roland Bautista na may 150 indibiduwal na ang sumailalim sa kanilang online psychosocial counseling.

TAGS: doh, dswd, Inquirer News, mental health issues, psycho-social assistance, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, doh, dswd, Inquirer News, mental health issues, psycho-social assistance, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.