BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 37,514; Higit 1,000 ang nadagdag sa magdamag

By Angellic Jordan June 30, 2020 - 05:10 PM

Photo grab from DOH Facebook video

Nadagdagan pa nang mahigit 1,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 30), umabot na sa 37,514 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 1,080 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 858 ang “fresh cases” habang 222 ang “late cases.”

“May kataasan po ang naitala nating bilang ng fresh cases ngayong araw na ito lalong-lalo na po sa Region 7. Kaya po sa kasalukuyan, atin pong pinag-aaralan kung ano po ang mga naging dahilan sa mga kasong ito,” pahayag ni Vergeire.

“Ang mga kaso na ating inuulat ngayong araw ay galing lamang po sa submission sa 57 out of our 67 licensed laboratories. Ibig-sabihin po ay mayroong karagdagang kaso pa ngayong araw na maitatala natin kapag nag-submit po sila ng ibang mga listahan nila galing sa ibang laboratoryo,” dagdag pa nito.

Nasa 11 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,266 na.

Ayon pa sa DOH, 277 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 10,233 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Philippines, COVID-19 deaths in Philippines, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Philippines, COVID-19 update, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Usec. Maria Rosario Vergeire, breaking news, COVID-19 cases in Philippines, COVID-19 deaths in Philippines, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Philippines, COVID-19 update, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Usec. Maria Rosario Vergeire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.