Mahigit 500 bus bi-biyahe sa EDSA Busway ayon sa DOTr

By Erwin Aguilon June 30, 2020 - 05:16 PM

Kabuuang 550 bus ng target ng Department of Transportation (DOTr) na bumiyahe sa EDSA Busway.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran na ito ay kapag naisakatuparan na ang full operation ng busway.

Paliwanag ng opisyal, ang full operation ng EDSA Busway ay matiyak na maayos na ito pati na ang mga designated bus stop.

Sa ngayon, ayon kay Libiran ay hinihintay pa nilang mai-deliver ang 36,000 concrete barriers na ilalagay sa kahabaan ng EDSA mula sa Monumento hanggang PITX.

Magsisimula aniya ang delivery nito sa susunod na linggo.

Sa ngayon, maliban aniya sa MRT-3 at bus augmentation ay mayroong mga inaprubahang mini-loops ang DOTr.

Kabilang na aniya sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Monumento to Quezon Ave
2. PITX to Ayala
3. Timog to Santolan

Mayroon aniyang 30 initial bus units ang ipapakalat sa Monumento to Q. Ave at PITX to Ayala mini loops.

Tiniyak din ni Libiran na walang fare increase na ipapatupad ang mga ito at maari ding magbaba sa dedicated bus stops.

Para naman sa MRT-3 bus augmentation, sinabi ng opisyal na mananatili ang pamasahe ng P25.

Dagdag ng opisyal, araw-araw din silang may ginagawang inspection sa EDSA busway gayundin ang pag-educate sa publiko sa mga bus stops at sa dedicated lanes sa mga bus.

TAGS: dotr, DOTr Asec. Goddes Hope Libiran, EDSA busway, Inquirer News, Radyo Inquirer news, dotr, DOTr Asec. Goddes Hope Libiran, EDSA busway, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.