POGO Tax Bill pinasesertipikahang urgent kay Pangulong Duterte

By Erwin Aguilon June 30, 2020 - 04:53 PM

Pinasesertipilahang urgent ni House Committee on Appropriations Chairman Joey Salceda ang kanyang inihaing House Bill 5267 o ang POGO Tax Bill.

Ayon kay Salceda, kailangan nang ma-codify sa batas ang tax regime sa POGOs para maikonsidera bilang tax evasion ang hindi pagbabayad ng tax liabilities.

Para din aniya mabigyan nito ng kapangyarihan ang pamahalaan na maglabas ng hold-departure orders at makapagsagawa ng imbestigasyon sa suspected illegal POGO activities.

Kaugnay nito, ibinalala ni Salceda ang posibilidad na pagpapalit ng pangalan ng mga operators ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para maiwasan ang kanilang tax liabilities sa pamahalaan.

Dahil dito, hinihimok din ng mambabatas ang Senado na maghain ng kanilang counterpart proposal.

Aminado naman si Salceda na pahirapan ang pagkolekta ng buwis mula sa POGOs dahil sa umiiral na sistema kung saan tumatayo ang PAGCOR bilang middleman sa franchise fees ng industriyang ito.

TAGS: House Bill 5267, Inquirer News, POGO, POGO Tax Bill, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, tax evasion, tax liabilities, House Bill 5267, Inquirer News, POGO, POGO Tax Bill, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, tax evasion, tax liabilities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.