Office of the Solicitor General, isinailalim sa lockdown
Isinailalim sa lockdown ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Makati City.
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nang sumalang sa rapid test.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng OSG na sasailalim pa ang empleyado sa confirmatory test.
Habang hinihintay ang resulta ng confirmatory test, tanging ang mga tauhan mula sa Financial Management Service at disinfection team ang papayagang makapasok sa gusali.
Magsisilbi anila itong precautionary measure laban sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, sinabi ng OSG na wala munang matatanggap o mapapadalawang dokumento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.