Nakauwi na ang 64 locally stranded individual (LSI) at pitong indigenous person (IP) sa Davao City.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), katuwang nila ang iba pang ahensya ng gobyerno para mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila sa gitna ng banta ng COVID-19.
Sakay ang mga LSI at IP sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301).
Bumiyahe ito mula Port Area, Maynila noong June 25.
Maliban sa Davao City, naghatid rin ang BRP Gabriela Silang ng mga miyembro ng PNP – SAF, medical supplies, at iba pang LSI sa Cebu, Cagayan de Oro, Zamboanga, at General Santos City mula June 25 hanggang 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.