DepEd, maglalaan ng P700-M para sa internet service sa 7,000 paaralan sa bansa
Aabot sa P700 milyon ang ilalaan ng Department of Education o DepEd para sa internet service ng 7,000 paaralan sa buong bansa.
Ito ay para sa blended education na ipatutupad ng DepEd dahil sa COVID-19.
Base sa ika-14 weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, ito ay para madagdagan ang bilang ng mga pampublikong paaralan na mayroong intenet access.
Target na matapos ang proyekto sa loob ng 10 buwan.
Bukod sa online distance learning, gagamit din ang DepEd ng radyo at telebisyon para sa pagtuturo sa mga estudyante.
Sa August 24 itinakda ng DepEd ang pagsisimula ng klase sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.