Mga sundalong nasawi sa police checkpoint sa Sulu nagsasagawa ng misyon laban sa ASG nang mangyari ang insidente
Naglabas na ng pahayag ang Philippine Army sa umano ay misencounter na naganap sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng apat na sundalo.
Ayon sa statement, dakong alas 2:00 ng hapon ng Lunes, June 29 lulan ng SUV, ang mga sundalo na miyembro ng 11th Infantry Division ay nagsagawa ng operasyon laban sa Abu Sayyaf members, bomb makers, at suicide bombers sa lugar.
Hinarang sila ng mga tauhan ng Jolo Municipal Police Station sa isang checkpoint.
Kahit nagpakilala na bilang sundalo ay pinaputukan pa rin sila ng mga pulis sa hindi malamang dahilan.
Nanawagan si Lieutenant General Gilbert I. Gapay, Army Commanding General ng full-blown investigation sa insidente.
Aniya, nasa misyon ang mga sundalo laban sa mga terorista sa lugar nang sila ay masawi.
May mga testigo din na nagsabing walang nangyaring pagtatalo bago ang pamamaril sa mga sundalo.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang Philippine Army sa pamilya ng mga nasawing sundalo.
Siniguro ni Gapay na mabibigyan ng hustisya ang apat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.